Make your own free website on Tripod.com

Mga Balitang Panggising

PAMBUNGAD | Mga Segmento | Mga Batang-EC | Ka-Pamilya


DALAWA SA SINASABING BIKTIMA NG EXTRA-JUDICIAL KILLINGS, IPRINISINTA NG PNP SA MEDIA

Iniharap ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang sinasabing biktima umano ng extra-judicial killings na una nang iniulat ng human rights advocate group na karapatan na umano'y pinaslang.

Tinukoy ni Task Force Usig Commander Chief Supt. Geary Barias ang dalawa na sina Danilo Fajardo, isang militiaman; at hilario paraon, na isa namang magsasaka, at kapwa ng San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Senior Superintendent Buenaventura Viray Jr, Deputy Police Provincial Director ng Bulacan, iniulat ng grupong Karapatan na si Fajardo ay napatay noong February 18, 2005, habang si Paraon ay napatay naman umano noong february 21 nito lamang nakalipas na taon.

Subalit matapos ang pagsisiyasat, nabatid ng Bulacan Provincial Police na buhay pa ang dalawa at kapiling ng kani-kanilang pamilya.

Iginiit ni Barias na ang kaso nina Fajardo at Paraon ay kasama sa 207 cases mula sa records ng Karapatan na bineberipika ngayon ng TF Usig.

balik sa itaas

Makinig ng LIVE
dzec.gif
sa DzEC 1062kHz, Radyo ng Pamilya

______________________________________________________

Nais mo ba magpa-Patalastas sa DzEC?
______________________________________________________