Make your own free website on Tripod.com

Mga Balitang Panggising

PAMBUNGAD | Mga Segmento | Mga Batang-EC | Ka-Pamilya


RESULTA NG SWS SURVEY NA TUMAAS ANG BILANG NG MGA PAMILYANG FILIPINO NA NAGUGUTOM, PINABULAANAN NG NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang lumabas na resulta sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na tumaas ang bilang ng mga pamilyang pinoy na dumaranas ng pagkagutom sa nakalipas na 3 buwan.

Sa panayam ng DzEC, sinabi ni National Anti-Poverty Commission Chairman Domingo Panganiban na walang nagbago sa porsiyento o bilang ng populasyon na nakaranas ng gutom sa naraang ilang buwan.

Ayon kay Panganiban namamalaging nasa 19% pa rin at walang pagbabago ayon sa estadistika o records ng kanilang tanggapan.

Matatandaang sa isinagawang survey ng SWS, tumaas ang bilang ng mga nagugutom sa bansa.

balik sa itaas

Makinig ng LIVE
dzec.gif
sa DzEC 1062kHz, Radyo ng Pamilya

______________________________________________________

Nais mo ba magpa-Patalastas sa DzEC?
______________________________________________________