Make your own free website on Tripod.com
PAMBUNGAD
Mga Segmento
Mga Ka-Pamilya Ninyo
Mga Batang DzEC
Mga Nakaraan

 

BAHAY-BUHAY

 

Wednesday, March 28, 2007

 

TIPID TIPS SA SASAKYAN

Bago bumiyahe, tignan ang mga sumusunod:

- Dami ng gasolina o diesel sa tangke, langis ng makina at tubig sa radiator.

- Posibleng tagas sa lalagyan ng gasolina/diesel, langis at tubig.

- Kondisyon ng fan belt, clutch, brake, gulong at baterya.

- Plano ng biyahe upang mapag-isa ang mga lugar na magkakalapit para masulit ang paggamit ng sasakyan at makatipid sa gasolina at oras.


Tips para sa mga driver ng sasakyan:

- Mas mainam magpakarga ng gasolina sa umaga kaysa tanghali.

- Umiwas sa trapiko sa pamamagitan ng paggamit ng alternate routes.

- Iwasan ang biglaang arangkada o pagpapatulin o pagkarera sa daan.

- Hangga't maaari ay panatilihing katamtaman ang tulin ng sasakyan upang maiwasan ang pabigla-biglang pagpreno na makaka-aksaya ng gasolina.

- Napag-alaman na makakatipid ng 25% sa konsumo ng gasolina kung ibababa ang takbo mula 120 hanggang 80 kilometro kada oras.

- Makakatipid ng 5-10% sa konsumo ng gasolina kung may sapat na hangin ang gulong.

- Bawasan ang paggamit ng aircon kung malamig naman ang panahon, karagdagang load ito sa makina ng sasakyan na kumukunsumo ng mahigit sa 10% na gasolina kaysa pangkaraniwan.

- Maging alerto palagi sa kalsada.

- Magkarga ng pasahero o ng mga gamit na naaayon sa kapasidad ng sasakyan, dahil ang labis na pagkarga ay mas makakakunsumo sa gasolina laluna sa paakyat na daan, sapagkat palaging irerebolusyon ng mataas ang makina para ito'y maka-ahon ng paakyat.

- Hangga't maaari huwag pabayaang naka-idling ang sasakyan ng labis sa tatlong minuto; sa ganitong pagkakataon dalawang litro ng gasolina o krudo kada oras ang karagdagang nauubos.

- Iwasan hangga't maaari ang reverse gear maneuvers laluna sa pagpaparke ng sasakyan.

- Ugaliing ipa-check-up ang sasakyan upang maagapan at maayos ang konting diprensiya kung meron man, ang anim na buwang pagitan bawat tune-up ay okay na.

- Iwasan ang aksaya!

- Isara ng maigi ang lalagyan ng gasolina upang hindi sumingaw o tumagas.


CHECKLIST

- Suriin kung malinis ang air filter at ugaliing palitan ang langis sa takdang panahon kung kailan ito naka-schedule.

- Inspeksiyunin ang mga fan belt at siguraduhing maayos, walang lamat at mahigpit ag pagka-ka-kabit nito.

- Pakiramdaman ang kakaibang tunog ng makina.

- Inspeksiyunin ang radiator hose at siguraduhin na walang bitak, punit o paglalambot.

 

 

balik sa taas

 

Makinig ng Live sa

Radyo ng Pamilya

 

 

Gusto mo bang magpa-Patalastas sa DzEC?

 


Lahat ng Karapatan ay Reserbado
Ang DzEC Logo ay rehistradong pag-aari ng DzEC1062kHz, Radyo ng Pamilya
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa (02) 995-1362 o di kaya ay i-email ang inyong mga katanungan sa
lortiu@yahoo.com